Ever Wondered What Ignited the GMA and ABS-CBN Network War?

25 09 2007

I can’t help it.  The first time I read this, I got hooked.  Hehehehe.  But it has gotten toooooo long and the suspense with PEx members adding one chapter after another to the saga got the better of me so I sort of forgot about it until I found the file that I saved while trying to sort my folders.  Looked the whole thing up in Google and found it so happy na ko.  Let me share with you the Prelude and the first two chapters!  Hehehehe.  The rest can be found here.

Prelude: Hairbrush ni Korina Natagpuan, Tita Mel Nakipagharbatan

Ito ang sequel sa pinakaunang PEXeryeng pinamagatang “Hairbrush ni Korina Nawawala, Tita Mel Tuwang-tuwa” kung saan natunghayan kung paano ba nagsimula ang away nila Tita Mel at Korina.

Noong kasagsagan ng TV Patrol kung saan lead anchors pa sila Noli De Castro, Mel Tiangco, Angelique Laso, at Ka Kiko Evanglista, si Korina ay isa pa lamang hamak na estudyante ni Tita Mel. Paminsan-minsan ay inuutusan niya itong gumawa ng kape para mainitan ang kanyang sikmura.

Lumipas ang mga araw at napansin ni Mel na parang gumaganda na ang takbo ng career ni Korina at napansin din niya na gumagaling na ito sa larangan ng newscasting.Minsan ay sinilip nito si Korina sa kanyang dressing room at nakita nito si Korina na kausap si Loren Legarda at ipinagmamalaki ang hairbrush.

Korina: Look, Loren. Ito ang hairbrush na nagpapaganda sa aking buhok gamit ang aking spraynet. Hay, at ito ang sikreto ng aking gumagandang career!
Loren: How nice, iha, sige ituloy mo iyan at for sure ilalagay ka rin sa TV Patrol.

Agad napalunok si Mel at inisip nito na kailangan niyang makuha ang hairbrush. Nagwagi si Mel na makuha ang hairbrush at dahil dito ay nanlumo si Korina. May nakapag-tip naman kay Korina sa kung sino ang may hawak ng hairbrush niya sa katauhan ni Jay Sonza na napagsabihan ni Mel ng kanyang sikreto.Naikwento ni Korina ang mga nangyari kay Loren.

Isang araw, nais ni Loren na gumanti kay Mel para sa kaibigang si Korina. Muntik na ma-late sa TV Patrol si Mel mula sa shooting ng kanyang Tide commercial kaya nagmamadali nitong tinawag si Korina upang magpatimpla ng kape.Nang malingat si Korina ay nag-spray ng spraynet ni Korina si Loren sa kape na itinimpla kay Mel. Nang inumin na ito ni Mel ay agad sumakit ang tiyan nito.Ilang minuto na lang at eere na ang TV Patrol at kinakatok na ng ilang staff si Mel sa banyo ngunit hindi ito makalabas dahil sa sumama ang kanyang tiyan.

Loren: Excuse me, si Korina ay prepared at pwede munang siya ang ihalili kay Mel habang nasa CR pa ito. Besides, isusuplong ko pa sa execs na gumawa ng Tide commercial itong si Mel at bawal iyon.

Kaya si Korina ang isinalang noong gabing iyon sa TV Patrol at nagustuhan ng taong bayan ang feedback. Naospital si Mel at nagngingitngit ito dahil na-suspend siya at hindi nya alam kung sino ang nagsumbong tungkol sa Tide commercial. Lumipat siya sa kalabang istasyon.

At doon nagsimula ang harbatan ng hairbrush na tinutukan ng buong PExers.

***At ngayon, na napasakamay na ni Korina ang kanyang hairbrush, alamin ang mga bagong kabanata sa kanyang buhay at kung paano muling haharbatin ni Mel ang hairbrush na pinagsimulan ng lahat, pati na rin ng mainit na TV NETWORK WAR.***

Season 1 Chapter 1: Simula Ulit ng Harbatan

Kasalukuyang nagpapahinga si Korina matapos niyang gawin ang kanyang mga segments sa Rated K. Nag-ring ang kanyang cellphone at sinagot niya agad dahil ang tumatawag ay ang kanyang bestfriend Kris Aquino.

Korina: Oh, hi Kris!

Kris: Naku ha may nabasa na naman akong negative write up sa iyo! Na-blind item ka mare!

Korina: Ows, talaga? Well for sure halata na namang ako noh? O talagang number 1 chikadora ka lang at alam mo agad na ako nga iyon?

Kris: Well, mataray daw!

Korina: Oy ha grabe di lang ako ang mataray!

Kris: Korek! Alam mo naman andyan pa ang bitter mong lola di ba?

Korina: Ano ka ba magbigay-galang sa matanda ha!?

Kris: Uhm, anyway, kamusta naman ang hairbrush mo with diamond sprinkles all over? Ok naman ba?

Korina: Well, heto at guess what!? Hawak hawak ko siya ngayon! Hay, parang ayaw ko nang bitawan pa ang hairbrush kong ito dahil baka maagaw na naman!

Kris: Well ganyang talaga!

Hindi nila alam ay naka-tap pala ang tawag na iyon. Sa office ni Tita Mel ay enjoy na enjoy ito sa pakikinig sa phone conversation nila Kris at Korina.

Mel: Hum! Akala mo lang! Di magtatagal ay mapapasaakin na muli ang hairbrush na iyan! Akala mo! Grrr! Nakakainis talaga!

Bumukas ang pinto ni Mel at pumasok ang partner niyang si Mike. Agad pinatay ni Mel ang speakerphone para hindi malaman ni Mike ang kanyang ginagawa.

Mike: Ano ang ginagawa mo diyan? Mukhang may ginagawa ka na namang hindi maganda? Tandaan mo, hindi kita tatantanan!!!

Mel: Ano ka ba naman partner, ako ang iyong Kapusong totoo.

Mike: Ok, at sana naman wag mo nang asamin na maharbat ang hairbrush na iyon. Una sa lahat, wala na si Korina sa TV Patrol kaya hindi na kayo magkatapat.

Mel: Ano ka!? Hindi pwede! Naiinggit ako sa hairdo ni Korina at ako lang ang may karapatang mabigyan ng magandang hairdo! At ang hairbrush lang na iyon ang makapagbibigay ng kasiyahan sa akin!

Mike: Ok bahala ka. Aalis na muna ako at may iimbistigahan lang sandali.

Sa bahay ni Korina, nagulat siya nang may mag-doorbell sa kanyang gate. Hawak, ang kanyang hairbrush, lumabas siya ng bahay at nalaman niya na ang bisita niya ay si Jessica Soho.

Korina: At ano ang ginagawa mo dito?

Jessica: Ano pa ba!? Uhm!

Agad kinuha ni Jessica ang hairbrush at tumakbo ito papalayo.

Korina: HINDEEEEE….

Nang nasa may kanto na si Jessica ay dumating ang isang taxi na minamaneho ng isa ring medyo katabaang tao – si Arnold.

Korina: Humanda kayo!!! Palibhasa hindi nyo ako kinabog sa pagtulong ninyo sa dati kong katulong!!! Huhuhuhu

Walang nagawa si Korina kundi ang manlumpasay sa kanyang gate. Samantala, dumating si Ted Failon upang sana ay bisitahin si Korina.

Ted: Korina? Ok ka lang ba? May kasama nga pala ako na gustong makipag-usap sa iyo. At susunod din pala dito si Julius at isa pang panauhin.

Korina: Wala ako sa mood ngayon. Ted, nawala muli ang aking hairbrush!!! Alam mo na ang hairbrush na iyon ang aking buhay!

Ted: Korina, ano ka ba? Enjoy your blessings!

Korina: Marami na akong pinagdaanan sa hairbrush na iyon. Naging sirena ako, naging superhero, nakilala ko ang future na anak namin ni Mar na si Marina (Mar + Korina), at kung anu ano pa. Di ako pwedeng mag-give up.

Ted: Ok sige pero bago iyan kasama ko dito si Karen Davila. Nais niyang magkausap kayo. Pinilit niyang isama ko siya dito.

Tinawag ni Ted si Karen.

Karen: Hi, Korina. Alam mo I felt bad talaga sa nangyari ngayon. And I would also like to say sorry for all the pain I have caused in the past.

Korina: K-ka-karen…

Niyakap ni Korina si Karen at napaiyak ito. Gayun din si Karen. Di niya inaasahan na yayakapin siya ni Korina. Maya-maya ay bumusina na si Julius at nagulat si Korina dahil kasama nito Charo Santos-Concio sa sasakyan.

Charo: Hi Korina! It’s a pleasure na ako ang magsasabi sa iyo ng sorpresang ito. Good thing andito na si Ted at kasama pa si Karen.

***
Ano ang sorpresang iyon ni Charo kay Korina at kasama na sila Ted, Julius, at Karen?

Chapter 2 – Son of a Gun, Smells like the Sun

Pumasok sa bahay ni Korina sina Julius, Ted at Karen kasama si Ms. Charo. Bagamat lungkot na lungkot si Korina ay naramdaman niyang isang magandang balita ang dala ni Charo.

Charo: Well, Korina, let me get straight to the point. I want you to come back to TV Patrol.

Korina: Wait, sure na ba kayo?

Ted: We would always love to have you back.

Karen: And I will humbly step aside kung mamarapatin mong bumalik sa iyong program.

Korina: No, Karen, alam mo namang love na kita ngayon. Ilalagay kita sa Star Patrol o kaya sa Ronda Probinsiya ok lang ba?

Karen: Hay naku kahit sa Kwento ni Marc Logan pa!

Julius: Ok ah. Oo nga pala, Ma’m Charo, kailan babalik si Korina?

Charo: Well, effective tonight. Ok? O sige may meeting pa kami sa office. I just wanted to tell Korina personally ang balak ng management. O be ready ha. Bye.

Umalis na si Charo, at sumabay na dito si Karen at Julius. Naiwan ang close friend ni Korina na si Ted.

Ted: Buti naman at ok na kayo ni Karen.

Korina: Wala yun.

Alas-5 ng hapon at naghahanda na ang lahat para sa kanilang newscast. Sa set ng 24 Oras ay nagulat si Mel dahil nakita niya si Jessica at Arnold sa likod ng cameraman.

Jessica: Hi bestfriend Carmel Tiangco! May surprise kami ni Arnold sa iyo!

Arnold: Tama, kung hindi man namin natalo si Korina thru her katulong, heto at ibinibigay namin sa iyo ang kanyang hairbrush!

Mel: Ahhh yan nga ang hairbrush na iyon! Tandang-tanda ko ang diamond sprinkles all over na iyan na kahit nasa dilim ay makikita mo ang hairbrush!!! Thank you talaga!!!

Arnold: Ooops, di yan ganun kadaling makuha. Syempre we need you to do us a favor.

Mel: Ano yun?

Arnold: Gusto naming mag-leave kayo ni Joey sa program ninyong Mel and Joey. Gusto naming mag-take over sa program at palitan ang title na Partners Jessica and Arnold. Ok?

Mel: Hah!?

Arnold: Ok so amin muna itong hairbrush.

“SANDALI!”

Isang sigaw ang narinig mula sa sulok ng set. Si Pia Guanio ito.

Pia: Well nasa inyo na naman pala ang hairbrush na iyan. Arnold, ibigay mo sa akin yan.

Arnold: Pero…

Pia: Kapag hindi ninyo ibinigay sa akin yan, negative exposure ang ibibigay ko sa inyo sa Chika Minute! At blind item ang aabutin ninyo sa Chona Chikadora this Sunday! O ano?!

Walang nagawa si Arnold kundi ibigay ang hairbrush kay Pia.

Pia: Hahahaha! Ako na ngayon ang may magandang career! Well, tita Mel, ibibigay ko sa iyo ito KUNG ako ang magiging lead anchor with Mike tonight at ikaw ang sa Chika Minute. Ngayong gabi lang naman e. Game?

Mel: Oo, sige, para sa hairbrush na ito gagawin ko! Sige akin na ang script mo para mapag-aralan ko na ang mga chika natin tonight.

Pia: Oops, tita Mel may live spiel ka ngayon around 5:40pm ha para teaser mamaya ok? Prepare ka na. I will read muna the headlines sa aking dressing room ok?

Mel: Akin na ang hairbrush!

Pia: Well, hindi pwede. Mamaya na.

Samantala, sa ABSCBN compound naman ay abala si Korina dahil hindi pa pala natuyo ang kanyang gagamiting dress Kinakausap ni Korina ang kanyang katulong.

Korina: Ano ka ba naman? Bakit dito mo kasi pinapatuyo ang damit ko sa loob e di mabaho yan pag hindi naarawan!

Isang matanda ang pumasok sa dressing room ni Korina.

Lola: Ano ka ba, kahit di maarawan, amoy pinatuyo yan sa araw!

Korina: Talaga? Sige nga.

Inamoy ng matanda ang damit at sabay sabing,

Lola: Son of a gun, smells like the sun! Ganyang ang labang Surf!

Korina: Ah ok lola tama na po ang advertisement. The last time nagkaroon ng soap endorsement ang isang kilalang TV personality na sikat noon eh natanggal siya sa network na ito.

At sumalang na sila Korina, Ted, at Julius sa TV Patrol World kasama si Karen sa Star Patrol. At sa kabila naman ay sila Mike at Pia sa 24 Oras kasama si Mel sa Chika Minute.

***
Sino ang aariba sa ratings? Sino ang mas magaling sa showbiz segment? Si Karen Davila sa Star Patrol? O si Mel Tiangco sa Chika Minute? Abangan!

Bitin ba?  Hehe. The rest can be found in this blog or in this Pinoy Exchange thread.

Advertisements

Actions

Information

10 responses

26 09 2007
batang buotan

LOL. Really. thats interesting..this makes my day. thanks!

26 09 2007
iamsorceress

Haha. No prob, It’s really funny but the rest of the story became too much na towards the end. But ka-remember gyud ko, ako ni gigamitan ug flashlight kay i printed a few chapters out nya nawad-ag kuryente. hehehe.

Anyway, good to know it made your day. I noticed kauban mong Colleen. Are you in OSI? Hehehe. Say hi to her for me. We used to stay in the same bhouse in Cebu. She’d know me if kita syas akong pic. Hehe.

Thanks for dropping by.

2 10 2007
jonas

Money what else?

7 10 2007
junanteola

amf! hahaha! nalingaw ko’g binasa… ug agik-ik.
at may blog pa talaga! 😛

7 10 2007
iamsorceress

wehehe. karon pa diay ka kabasa ani dokie? hehe. nabuang kog binasa ana sauna. welcome back to the blogworld dokie. busy pa ka? need help? hehe.

28 11 2007
cati

hehehe nice ha! kakaaliw!

9 03 2008
Dhel

for god’s sake, i hope u can live with that…

4 07 2008
karen

katulogon nman ko oi..sayang wa no matiwas ug basa,, ay humanon nlng nko ugma.. hehe naa pakoy exam ugma… hekhek

4 07 2008
karen

katulogon nman ko oi..sayang wa no matiwas ug basa,, ay humanon nlng nko ugma.. hehe naa pakoy exam ugma… hekhek

15 11 2009
Chikabaklita

Hahahahaha natutuwa talaga ko sa katarayan ni Mrs. K
hay nakuh! as in ober tlaga ever

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: