Thrilla with Trillanes

2 12 2007

I’ve never been a fan of the guy.  Don’t get me wrong, I don’t personally like GMA that much either.  But there are just things that you see when you think out of the box and look at the bigger picture.

While speculations are not admissible as hard evidence in the court of law, I think Filipinos believe that the president is more corrupt than any other leader in our country since time immemorial.  But one of the reasons why I love George Orwell is the last part of his book, Animal Farm.  That part where the other animals in the farm peeped into the house through the windows and watched the pigs and the human visitors at the dining table until they could no longer distinguish one from the other. 

In college, I participated in DGs (discussion groups) and EDs (educational discussions) about the Philippine society and the need for change.  I have memorized the “triangle” by heart and have finished the MKLRP and PSR—please look it up because talking about it at length would make me digress some more.  I joined mobs and vigils.  I had my fair share of being this close to getting cuffed for vandalism but there are things that bourgeoisie entails that paved the way for my enlightenment and eventual realization of what I truly need as a person and as a citizen of this country.  Perhaps, I blame it on the “animals” who led the move to overthrow the “humans” only to become what we crusaded against. 

Indeed aging makes you realize things.  Indeed experience teaches you a lot.  I was in EDSA 2 and that was one of the major highlights of my political life.  The spontaneity of the first few days and the last day have made it very memorable. 

There’s this coffee table book that shows huge pictures of People Power when the Marcos regime finally fell to the raging bulls of enlightened masses—working class and bourgeois alike, that never fails to make me teary-eyed.  It was like seeing a phoenix spring back to life from the ashes.  But it was Ninoy Aquino’s death that ignited that rage—this word always reminds me of Chikoy Pura of The Jerks—and it was death in general that moved mountains. 

Now, there’s this cub politician who thinks so highly of himself having come from an upper class family and having a decent-enough-looking face.  The man that people sent to the senate despite his incarceration thinking that he can still serve effectively behind bars.  It didn’t take that long before the prison cell became a Hotel California.  This reminds me of my Pol. Sci. 14 topic about ceremonial powers. 

Anyway, I do not discount Mr. Trillanes’ bravery and bravado but lack of foresight, maturity and cunning is something that a man of his stature reeks of.  He arrogantly proudly took to the streets and once again disrespected the judicial system of the land that he claims to love so much.  So much that he proudly declared that he is determined to die for it.   Looking back, I can still see the Magdalo guys who shared his bravado.  They proudly asserted their desire to die for the common good.  But what good came out of it?  The hotel that has been one of the major landmarks of the whole Metro Manila and of the Philippines has suffered a major physical and financial blow.  The media people were treated in ways reminiscent of the 70s and 80s.  The stock market felt a huge dent although the peso remained strong. 

What if?  The Magdalo guys except for Trillanes, Faeldon and Lim died in battle.  Would there have been an outcry?  Had they succeeded, would we have liked a military junta?  Had they succeeded, would we have been happier with Trillanes as our president?  Or whoever else?  Had the soldiers died and the takeover succeeded, would they have given back the losses that the establishments incurred?  Would they have been able to fully support the families of the dead personnel?  Trillanes is lucky.  He can afford to be unemployed.  But what about the others? 

The cinematic scenes that unfolded two days ago took up so much of my time and it ended with an ironic smile.  Some people simply do not learn. 

If someone died…oh well, that would have been SOMETHING!

Advertisements

Actions

Information

2 responses

2 12 2007
Thrilla with Trillanes

[…] iamsorceress added an interesting post on Thrilla with Trillanes […]

26 02 2008
thewordwarlock

Para kay Senador Antonio Trillanes IV
5:34 am by kapirasongkritika
Kumusta? Sana, nasa mabuting lagay ka na ngayon. Noong Nobyembre 29, isa ako sa maraming parang dinaluyan ng kuryente nang mabasa ang text message na nagsabing nag-walkout ka sa pagdinig ng kaso mo sa Makati at nanawagang “Ito na ang panahon.” Isa rin ako sa mga sumubaybay sa telebisyon sa pagmartsa ninyo – nina dating Brigadier General Danilo Lim, dating Bise-Presidente Teofisto Guingona, Jr. at dating Presidente Francisco Nemenzo, Jr. ng Unibersidad ng Pilipinas – papuntang Manila Peninsula Hotel. Tinutukan ko ang mga nangyari, hanggang sumuko kayo noong gabi.

Noong unang nag-alsa ang grupo mong Magdalo, Hulyo 2003, nagkaroon ako agad ng simpatya sa inyo. Bagamat may duda ako kung saan galing ang bugso ng galit at giting ninyo, at hindi ko gaanong unawa ang porma ng protesta ninyo, alam at sinasang-ayunan ko ang mga ipinaglalaban ninyo. Nitong halalang 2007, alam kong tumakbo ka. Pero noong malapit na lang ang araw ng pagboto ko pinag-isipan kung iboboto kita. At ang sagot ko: “Oo, iboboto ko si Trillanes. Oo, iboboto ko si Trillanes! Oo!” Noon ko nahulaang mananalo ka: Kahit akong aktibista, nakaramdam na “astig” ang iboto ka.

Bakit? Dahil kahit ikinulong ka na’t lahat, matatag kang kontra-kahirapan, kontra-korupsiyon at kontra sa abusong paggamit sa militar – kontra-Arroyo samakatuwid. At hindi ka lang karaniwang kontra-Arroyo. Makabuluhan sigurong ihambing ka sa puntong ito sa isa ring kritiko ng pangulo, si Sen. Francis “Chiz” Escudero. Maligoy siyang magsalita; direkta ka sa punto. Malambot at mahinahon ang imahen niya; palaban at nag-aapura ang dating mo. Kumbaga, cool siya; hot ka. Kung may hindi magandang alingasngas na bata siya ni Danding Cojuangco, tiyak ang maraming hindi ka trapo.

Nariyan, sa tingin ko, ang mga dahilan kung bakit ka nanalo kahit wala kang malaking pondo, at sinisiraan pa. Ngayong senador ka na, sinusulit mo ang tiwala sa iyo ng mga tao. Hindi ka lumamya o tumigil. Nagtuluy-tuloy ang matitinding banat mo sa rehimen. Kung tama ang alala ko, tumindig ka kontra sa Malakanyang simula sa pagpili ng presidente ng Senado, na isyung humati sa Oposisyon, hanggang sa pag-akusa sa rehimen na utak ng pagbomba sa Glorietta. Nakakulong ka na’t posibleng bulukin sa kulungan, ano pa nga ba ang ikakatakot mo? Sa isang banda, walang mawawala sa iyo.

At ngayon, ito. Muli, gaya ng sinabi mo, ipinakita ng rehimeng Arroyo kung gaano ito ka-brutal. Sa dami ng ipinakat na mga puwersang militar sa Manila Peninsula, at sa eksaheradong mga taktika ng mga ito laban sa kakaunting armadong puwersa ninyo – nagsalaksak pa ng tangke sa entrada! – masasabing may isang mensaheng gustong ihatid ang rehimen sa mga gustong lumaban dito: “Dudurugin namin kayo!” Iyon ang minimum na layunin. Sa maksimum, hindi malayong ang tinanaw o tinarget ay patayin at patahimikin na, sa wakas, kayong matagal nang mga sanhi ng sakit ng ulo ng rehimen.

Pero matagal na nating alam na malupit ang rehimeng ito. Hindi iyon ang pangunahing dahilan kung bakit nadurog ang inyong pag-aalsa at hindi napatalsik si Arroyo alinsunod sa plano. Ang kawalan ng pagkilos ng masa, siyempre pa, ang pangunahing sanhi. Para sa mga mamamayang walang organisasyong kontra-Arroyo – na dapat ay hahatakin at papatapangin ng gayong mga organisasyong inasahan ninyong darating – nakakatakot ang ginawa ninyo. Sa hindi pagbuhos ng masa sa inyong ginawa, lumutang ito bilang isang putsch, at hindi ang pag-aalsang “people power” na pinapangarap nating lahat.

Maisasagot mo, gayunman, na hindi natakot ang mga tao noong Edsa 1 na rumesponde sa panawagang depensahan sina dating Sek. Juan Ponce Enrile ng Tanggulan at Hen. Fidel Ramos. Tama ka. At wastong humalaw ng aral sa karanasan. Kailangan nating malaman kung paano nagbabago ang kasaysayan para malaman natin kung paano mulat na babaguhin ito. Pinanday ang ganoong kahandaan ng mga mamamayan na lumaban at magtaya ng buhay ng papalawak na mga kilos-protesta mula pa noong 1983 – na, sa iba’t ibang dahilan, ay wala pa ngayon. Bumubuwelo pa marahil para sa unos.

Sa ganitong punto kailangang iwasto ang dalawang tampok na maling paniniwala hinggil sa Edsa 1 at Edsa 2. Ang isa, nagpapatampok sa papel ng militar; ang isa, sa papel ng tinatawag na “panggitnang uri”. Parehong minamaliit ng ganitong pagtingin ang papel ng masang anakpawis sa dalawang pag-aalsa. Materyal na batayan ng una ang mga taong militar, lalo na iyung sangkot sa dalawang people power. Materyal na batayan naman ng ikalawa ang ilang akademiko at intelektuwal na nagdidiin sa paglawak ng panggitnang uri sa Pilipinas para ibangga sa pagsusuring agrikultural pa rin sa kalakhan ang bansa.

Masasabing nagsanib ang ilang tampok na taguyod ng dalawang paniniwalang ito sa ginawa ninyo sa Manila Peninsula. Partikular akong naadwa sa mga sibilyang kasama ninyo: Nangako ba silang magpapakilos ng libu-libo? Bagamat kontra-Arroyo, petiburgis sila. Nasaan ang mga Crispin Beltran ng mga manggagawa? Mga Paeng Mariano at Daning Ramos ng mga magsasaka? Mga Mameng Deunida ng mga maralita? Hindi rin sila kilalang namumuno sa malalaki at matatatag na pagkilos ng mga mamamayan sa lansangan, tulad nina Carol Araullo, Satur Ocampo, Liza Maza at Mong Palatino.

Lumilitaw na hindi sila nakasama sa pagpaplano ng nangyari. Sila pa man din ang pinakamadiin sa pagsasabing kilusan ng libu-libong masa ang susi para patalsikin ang rehimeng Arroyo. May pulso sila sa lakas at kakayahan – gayundin sa kahinaan at limitasyon pa – ngayon ng kilusang masa. Marahil, hihikayatin ka nilang ibinbin muna ang gayong aksiyon, magpokus sa paglalantad pang lalo sa rehimeng Arroyo, at ibayong mag-ambag sa pagpapalawak sa hanay ng mga mamamayang kumikilos sa lansangan – siguro hanggang sa panahong kagyat na hudyat na lamang ang kulang.

Marami pang aspekto ng ginawa ninyo ang kapuna-puna: ang kakaunting sibilyang sumama paglabas ninyo ng korte, ang magulo at kulang-sa-militansiyang martsa ninyo patungong Manila Peninsula, ang akademikong Ingles na ginamit sa pahayag ni Hen. Lim, ang miyembro ng Magdalo na naka-peluka – parang awa mo na, paki-paliwanag lang sa akin kung bakit siya nakasuot ng ganoon – at ang kakapusan ninyo ng mga pahayag. Pero sekundaryo ang lahat ng ito. Lilikhain ng malakas na kilusang masa ang mga porma ng rurok na pag-aalsa, at nililikha pa lamang natin ang mga ito ngayon.

Bigo ang pag-aalsa ninyo sa layuning patalsikin ang papet, pasista at pahirap na pekeng pangulo. Pero hindi ito sayang. Hindi man ito ang rurok na pag-aalsa, bahagi ito ng buong proseso ng paglalantad at papatinding paglaban sa rehimeng Arroyo. Hindi pa man ito 1986, maaaring panibagong 1983 ito – hudyat ng simula ng mas malakas na bugso ng mga pagkilos na magtatagumpay sa dulo. Binubuhay nito ang diwang palaban ng mga tao para lumahok at sumuporta sa mga kilos-protesta. Malawak at matapang ang hanay ng mga nagprotesta nitong Nobyembre 30 na tumulak patungong Mendiola.

Ngayon, siyempre, sinasamantala ng rehimen ang pagkadurog ng pag-aalsa ninyo para siraan ka: Duwag ka raw. Pero alam ng maraming hindi halang ang bituka mo para isuong ang mga kasamahan mo o mga sibilyan sa kamatayan. Lahat ng kinalabasan ng aksiyon mo, hinaharap mo – hindi binabaluktot o pinagtatakpan. Dahil ikaw ang pinaka-pangahas sa kilusang kontra-Arroyo, walang iba kundi pagmaliit sa kakayahan nito ang pagsasabing duwag ka. Noong sinabi mong ikaw ang papalit kay Gloria, alam ng maraming hindi iyon kayabangan, kundi desperasyon – napasubo – sa kalagayan.

Isa sa huling mga eksena sa telebisyon noong Nobyembre 29 ang panayam sa iyo noong naihatid na kayo sa Kampo Bagong Diwa. Ayaw mong sumagot sa mga tanong. Parang malungkot ka. O baka hindi mo pa napag-isipan ang mga sagot. Hindi maiaalis sa iyong malungkot. Pero sa dulo, tama lang na hindi ka napatay, nagpakamatay o nagsubo ng iba sa kamatayan. Hindi natin kailangang magbuwis ng buhay para patalsikin ang rehimeng ito. Para sa mga progresibo, nakalaan ang buhay sa pagkilos para baguhin ang sistema ng lipunan natin. Sana, makasama ka sa pagkilos na ito.

Sana, mapanatag ka. Malamang, hindi masarap ang tulog nina Gng. Arroyo at ng mga kalaban nating kinamumuhian ng sambayanan. Ngayong gabi, at sa susunod pang mga gabi, matulog ka nang mahimbing. Magpakatatag ka. Marami pa tayong labang haharapin. Ano man ang sabihin nila, ano pa man ang ikaso nila sa iyo, mapanatag ka sa pag-iisip na dahil sa ginawa mo, lalo kang minamahal ng sambayanang Pilipino.

02 Disyembre 2007

nakuha ko lang kay kapirasong kritika. ibang opinyon to.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: